Ang Simbahan at Simbang Gabi sa Laguna

Article Contributor: Ken Escamillas

Para sa akin ang simbang gabi ang pinaka-opisyal na signos na malapit na talaga ang kapaskuhan. Ito na ang simula ng paghahanda para sa kapanganakan ng ating mahal na si Hesus. Halos lahat ay gumigising ng maaga para makinig ng misang patungkol syempre sa kapaskuhan. Sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin, ang simbang gabi na ang pinaka tamang oras para magsama-sama ang buong pamilya.

Dagdagan pa ang mga masasarap na pagkain na matatagpuan sa labas ng simbahan. Nariyan ang “forever-present” na bibingka, ang paboritong puto bumbong sabayan pa ng isang mainit na kape ang tunay magpapakumpleto ng simbang gabi mo.

Hindi magiging ganap ang kasiyahan ng mga mananampalataya kung walang maayos na dasalan o di kaya’y para sa mga turista- mga magagandang simbahan. Hindi papatalo ang lalawigan ng Laguna, ang Laguna ay makikitaan rin ng magagandang simbahang na tiyak na tamang-tama para sa isang di-malilimutang simbang gabi. Para sa ilang Laguneňos at sa ibang gustong makapag-simbang gabi sa Laguna, hayaan nyo akong bigyan kayo ng listahan ng mga magagandang simbahan sa lalawigang ito.

Narito ang mga simbahan makikita sa Laguna:
1. Ang Simbahan ng Majayjay
2. Ang Simbahan ng Liliw
3. Ang Simbahan ng Pila
4. Ang Simbahan ng Magdalena
5. Ang Simbahan ng Cavinti
6. Ang Simbahan ng Calamba
7. Ang Our Lady of the Pilar Parish sa Alaminos
8. Ang Simbahan ng Bay
9. Ang San Isidro Labrador Parish sa Calauan
10. Ang St. John the Baptist Church sa Liliw
11. Ang Our Lady of the Rosary Parish sa Luisiana
12. Ang St. Magdalene Church sa Magdalena
13. Ang St. Bartholomew Parish sa Nagcarlan
14. Ang Our Lady of Guadalupe Parish sa Pagsanjan;
15. at Ang Simbahan ng Rizal

Lahat ng nasabing simbahan ay tunay na nakapagbibigay ng masayang presensya ng Kapaskuhan. Halina’t gisingin natin ang ating mga kapamilya mamayang alas-tres o di kaya’y alas-kwatro ng umaga at sama-samang magsimbang gabi sa mga natatanging simbahan sa Laguna.

Maligayang pagsi-Simbang Gabi at Maligayang pasko mga Laguneňos!
Photo Credits: Karlo Torres Photography (Flickr.com)
jedthyknight.multiply.com
Simbahan.net

No comments yet.

Leave a Reply